Mabilis lumaki ang mga bata. Pahirap ng pahirap ang mga tanong nila. Sana nga math problem na lang ang pinapa-solve sa akin, baka kayanin ko pa. Pero nitong mga nagdaang mga araw, nagugulat ako dahil madalas, hindi ko alam kung paano uumpisahang sagutin ang mga tanong nila. Akala ko na kapag nasa ganoong sitwasyon na ang isang magulang, madali na dapat sagutin. Hindi pala. Minsan, hindi lang mga tanong nila ang dapat mahirap sagutin, pati yung mga katuwiran nila. Sa totoo lang, napapaisip na lang ako bigla, sabay sabi sa sarili na, 'oo nga no'.
1. Tanong: 'Bakit kailangang maniwala kay God?'
Kumakain kame nito ng hapunan at ang panganay ko ang nagtanong. Sa totoo lang, nagulat ako at nagmadali mag-isip ng sagot. Ayoko kase isipin ng anak ko na ang tagal kong sumagot at baka bigla na lang syang hindi na magka-interes dito. Ayokong ring mahalata niya na nahihirapan ako, hahaha.
Sagot: 'Kailangang maniwala kay God kase ito ang 'mag-guide' sa behavior at actions mo sa buhay. Kung wala kang paniniwalaan, kanino ka maniniwala, sa ibang tao?'
2. Sitwasyon: Tinuturuan ko ang pangalawa kong anak tungkol sa mga kulay. Sa libro, tinanong ko sa kanya ang kulay ng abokado. Sabi niya, 'violet'. Sabi ko, 'pwedeng green o brown'. Kase sa totoo lang, nalito rin ako, hahaha.
3. Tanong: 'Paano kinukuha ang baby sa tiyan pag nanganganak?'
Eto, hirap na hirap ako dito. Dahil talagang sinabi ko sa anak ko mula ng saksakan ako ng anesthesia hanggang sa paggising ko. Di naman niya sinabi sa akin na di niya naintindihan, pero di na sya nag-'follow-up question'. Hahaha.
4. Tanong: 'Saan galing ang mga regalo ni Santa Claus?'
Eto talaga, sinabi ko ang totoo. Ang mga regalo ni Santa Claus ay galing sa mga magulang, ninong at ninang, hahaha. Na ang totoong Santa Claus ay nasa North Pole 'ata', ang yung mga napapanood sa tv ay kathang-isip lamang.
5. Tanong: 'Bakit naghihiwalay ang mag-asawa?'
Sinabi ko sa anak ko na nangyayari yun kapag di na masolusyonan ang pag-aaway at mas marami pang dahilan. Sabi ko magpasalamat sya na wala kame sa ganuong sitwasyon at totoong nangyayari yuon sa ibang tao.
Sinusubukan kong hindi magsinungaling sa mga anak ko kase ayokong magkaroon sila ng perpektong ideya sa mga nasa paligid nila. Marami pang susunod. Salamat.